Duterte: ‘Wala akong pangako na hindi ko natupad maliban sa trapiko sa EDSA’

By Rhommel Balasbas February 24, 2019 - 01:53 AM

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang karamihan sa kanyang mga pangako maliban sa paglutas sa problema sa trapiko sa EDSA.

Sa kanyang talumpati sa Biñan, Laguna, sinabi ng Pangulo na ganap nang batas ang ilan sa kanyang mga pangako tulad ng libreng tuition at universal healthcare.

“Nangako ako sa inyo, wala akong pangako na hindi ko natupad except yang EDSA (traffic). Nangako ako ng free tuition, nandyan na ‘yung batas, nangako ako ng free universal healthcare, pirmado ko na ang batas”, ani Duterte.

Tinanong ng Pangulo kung ano pa ang gusto ng publiko lalo’t maging ang Pantawid Pamilya Program ay itinutuloy ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng TRAIN law.

Dismayado naman ang Pangulo dahil hindi niya masolusyonan ang lumalalang problema sa trapiko ng bansa partikular sa EDSA.

Giit ni Duterte, hindi niya masolusyon ang problema dahil hindi siya mabigyan ng emergency powers ng Kongreso.

Kailangan niya anya ang emergency powers ngunit dahil sa pinalulutang na magagamit sa korapsyon ang pera para rito ay sinabi ng Pangulo na hindi bale na lamang na huwag siyang bigyan nito.

TAGS: Biñan, edsa, emergency powers, free tuition, laguna, pangako, Pangulong Rodrigo Duterte, Pantawid Pamilya Program, train law, trapik, Universal Health Care, Biñan, edsa, emergency powers, free tuition, laguna, pangako, Pangulong Rodrigo Duterte, Pantawid Pamilya Program, train law, trapik, Universal Health Care

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.