Duterte: Mga Chinese, hayaang magtrabaho sa bansa

By Len Montaño, Rhommel Balasbas February 24, 2019 - 01:40 AM

Hindi umano basta pwedeng ipa-deport ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, hayaan na lamang na magtrabaho sa bansa ang mga Chinese workers.

Paliwanag ng Pangulo, mayroong 300,000 na mga Pilipino sa China.

“Yung mga Chinese dito, hayaan mo ‘yan na dito magtrabaho, hayaan mo. Bakit? We have 300,000 Filipinos in China,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Biñan City, Laguna araw ng Sabado.

Ito umano ang dahilan kaya hindi masabi ng Pangulo na umalis ang Chinese workers sa bansa o ipa-deport ang mga ito dahil paano anya kung biglang paalisin ang daang libong mga Pinoy sa China gaya ng nangyari sa Middle East.

Matatandaang nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado sa paglobo ng bilang ng Chinese workers sa Pilipinas sa pangambang naaagaw ng mga ito ang mga trabaho na dapat ay para sa mga Filipino.

TAGS: chinese workers, deport, Hayaan mo, Middle East, Rodrigo Duterte, chinese workers, deport, Hayaan mo, Middle East, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.