Duterte: 40% ng mga rebelde ay bakla

By Len Montaño February 24, 2019 - 01:17 AM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na 40 porsyento ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ay mga bakla.

Pahayag ito ng Pangulo sa gitna ng talumpati sa Biñan, Laguna araw ng Sabado.

“Alam ba ninyo that 40 percent ng NPA ngayon na sundalo, bakla. Ibig sabihin, hindi ito ‘yung sabihin mo ‘yung bakla, bakla lang na ano. I mean ano lang ‘yan eh, a tag. Actually as natural as kung makakita ng gwapo, mga gaga,” pahayag ni Duterte.

Kamakailan ay nag turn-over ang NPA ng kanilang mga hostage sa seremonya na pinangunahan ni presidential son Baste Duterte at dating Special Assistant to the Preisident Bong Go.

Ayon kay Duterte, maski si Baste ay nagtaka sa turn-over ng NPA ng kanilang mga bihag. Pabiro tuloy na sinabi ng Pangulo na si Baste pala ang gusto ng mga rebelde.

TAGS: bakla, Baste Duterte, bihag, NPA, Pangulong Rodrigo Duterte, bakla, Baste Duterte, bihag, NPA, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.