Higit P312k halaga ng shabu nasabat sa magkahiwalay na buy bust sa Iligan City
Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P272,000 na halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Brgy. Hinaplanon, Iligan City araw ng Sabado.
Ikinasa ang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Lanao del Norte Provincial Office at Lanao del Norte Police Provincial Office laban sa suspek na si Roy Lonoy.
Positibong nakabili ang mga pulis ng droga mula sa suspek at naaresto ang anim na iba pa.
Bukod kay Lonoy, timbog sina Nashief Buale Manalao, Dharryl Alumbro, Robert Anchez Lonoy, Julie Ann Reyes Bansag, Lea P Ramirez at Matteo Yerro Go.
Nakuha sa operasyon ang 13 plastic sachet ng shabu na may bigat na 40 grams, drug paraphernalia at buy bust money.
Samantala, isa pang buy bust operation ang ikinasa ng mga operatiba sa Brgy. Sto Rosario, araw din ng Sabado.
Natimbog ang suspek na si Macalayon Mangondaya Tataro na sinasabing isa sa mga nagbabagsak ng shabu na mula sa Marawi City.
Nakuha mula sa suspek ang 6 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.