4 preso patay, 3 pulis sugatan sa “Operation Greyhound” sa Davao City Jail

By Len Montaño February 24, 2019 - 12:53 AM

Apat na inmates ang nasawi habang tatlong pulis ang nasugatan nang magkagulo sa gitna ng “Operation Greyhound” sa Davao City Jail Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat, nanlaban umano ang mga preso kaya pinagbabaril sila ng otoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Davao City Police Office, pinalalabas ng selda ang mga preso para sa isinasagawang “Oplan Greyhound” nang bigla barilin ng isang inmate ang isang pulis gamit ang sumpak.

Sinasabi namang nanlaban din ang tatlo pang preso kaya binaril sila ng mga pulis.

Nakuha sa selda ang isang bulto ng droga na nagkakahalaga ng P160,000.

Wala pang inilabas na pangalan ng mga nasawing inmates.

TAGS: Davao City Jail, Davao City Police Office, inmate, nanlaban, Operation Greyhound, preso, Pulis, sumpak, Davao City Jail, Davao City Police Office, inmate, nanlaban, Operation Greyhound, preso, Pulis, sumpak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.