Duterte-Marcos tandem para sa 2016, posible pa rin

By Chona Yu November 26, 2015 - 02:26 AM

 

duterte-marcosMuling kakausapin ng personal ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos ihayag ni Duterte na tatakbo siyang pangulo ng bansa sa 2016 elections at maaring suportahan ng kanyang Partidong Demokratiko Pilipino o PDP-Laban ang Vice Presidential bid ni Marcos.

Ayon kay Marcos, mahalaga na malaman niya ang pinal na desisyon ni Duterte.

Pinasalamatan din ni Marcos si Duterte at PDP-Laban sa pagsuporta sa kanyang kandidatura.

Una rito, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na siya ang magiging running mate o vice-presidential candidate ni Duterte.

Sa ngayon ayon kay Marcos, bumubuo sila ng kanyang katandem na si Senador Miriam Defensor-Santiago ng isang ‘loose coalition’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.