Sa resulta ng trading hanggang araw ng Biyernes, aabot sa P1.40 hanggang P1.75 kada litro ang madadagdag sa presyo ng gasolina.
Malaki rin ang itataas ng presyo ng diesel sa P1.40 hanggang P1.50 kada litro.
Ang kerosene o gaas naman ay madadagdagan din ng P1.30 hanggang P1.40 kada litro.
Mula nang mag-umpisa ang 2019 ay P5.04 na ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P4.44 sa presyo ng kada litro ng diesel at P3.17 ang sa kada litro ng gaas.
Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad araw ng Martes.
Samantala, nakaamba rin ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa P1 hanggang P2 kada kilo mula sa araw ng Biyernes, Marso 1.
Dahil dito, posibleng umabot sa P11 hanggang P22 ang imamahal ng presyo ng kada tangke ng cooking gas.