Lalaking pasahero ng MRT, arestado dahil sa granada sa bag

By Len Montaño February 23, 2019 - 11:44 PM

Arestado ang isang lalaki na papasakay ng Metro Rail Transit (MRT) 3 sa Quezon City matapos makitaan ng granada sa bag nito Sabado ng gabi.

Pasakay si Christian Guzman sa MRT Cubao Station alas 7:10 pm nang makita ang granada sa loob ng kanyang bag na dumaan sa x-ray machine.

Sinita ng gwardyang si Ana Mae Burlaza si Guzman na nagsabing dati itong sundalo.

Hindi pinasakay ang lalaki sa MRT at nasa kustodiya na ng pulisya.

Samantala, isa namang pasahero ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang inaresto sa Cubao Station matapos mahulihan ng marijuana.

Ayon sa Quezon City Police District, ang hinuling pasahero ay si Francisco Ferrer, 47 anyos.

Dakong 2:30 Sabado ng hapon nang makita ng gwardyang si Robert Hagoot ang dalang marijuana ni Ferrer sa gitna ng inspeksyon.

Ayon sa gwardya, dala ng suspek ang katamtamang laki ng transparent ziplock pouch na may lamang 50 gramo ng hinihinalang mga tuyong dahon ng marijuana na nasa P6,000 ang tinatayang halaga.

Nakakulong na si Ferrer sa Quezon City Police Station 7.

TAGS: Christian Guzman, Cubao station, Francisco Ferrer, granada, LRT, LRT 2, Marijuana, MRT, MRT 3, Quezon City Police Station 7, sundalo, Christian Guzman, Cubao station, Francisco Ferrer, granada, LRT, LRT 2, Marijuana, MRT, MRT 3, Quezon City Police Station 7, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.