Miss Universe Catriona Gray, emosyunal sa ikalawang Homecoming parade

Photo by ARMIN P. ADINA / Contributor

Nagpatuloy ang welcome party para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pamamagitan ng pangalawang parada sa Araneta Center Sabado ng hapon.

Muling dumagsa ang mga Pilipino para masilayan ang Filipina beauty queen.

Sakay si Catriona ng float na mas mas maliit sa ginamit sa parada araw ng Biyernes.

Hindi magkamayaw ang mga tao sa paghabol at paghanga sa kagandahan ni Catriona.

Bukod sa parada, ilan sa mga naging aktibidad ng dalaga sa kanyang homecoming ang guestings sa ilang television shows at courtesy call sa ilang tanggapan sa gobyerno.

Hindi nakitaan ng pagod si Catriona na laging nakangiti at kumakaway sa mga tao sa parada sa Araneta Center.

Halos maiyak na si Catriona sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan. Panay ang pasalamat nito at pagsabi na mahal niya ang mag Pilipino.

Suot ni Catriona ang green beaded jumpsuit na may asymmetrical neckline. Tinawag ito ng designer na si Mak Tumang na “Alon” bilang pagkilala sa yamang dagat ng bansa.

Photo by ARMIN P. ADINA / Contributor

Sa Linggo February 24 ay magkakaroon ng special tribute show na may titulong “Raise Your Flag for Catriona Gray” na gaganapin sa Smart Aranerta Coliseum.

Inaasahan ang pagbabalik ni Catriona sa bansa sa Hunyo para koronahan ang kanyang successor sa 2019 Binibining Pilipinas pageant.

Read more...