Presyo ng ilang produkto tumaas na ayon sa DTI

By Den Macaranas February 23, 2019 - 04:50 PM

Inquirer file photo

Makaraan ang ipinatupad na price freeze noong panahon ng kapaskuhan ay inanunsyo na ng Department of Trade and Industry ang pagtaas sa presyo ng 56 na mga basic commodities ngayong buwan.

Ipinaliwanag ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo na sa kabila ng mataas na inflation rate sa huling bahagi ng 2018 ay nagawa nilang ipatupad ang “three-month price hold-off” sa presyo ng mga pangunahing produkto.

Pero nilinaw rin ng opisyal nakanilang ikinukunsidera rin ang pagtaas sa halaga ng produksyon ng maraming mga paninda sa merkado.

Kasama na dito ang pagtaas sa halaga ng raw materials, labor cost, packaging pati na rin ang presyo ng petrolyo.

Sa kabuuan, sinabi ng DTI na 5-percent average ang itinaas sa presyo ng mga pangunahing kalakal.

Kasama dito ang presyo ng sardinas na tumaas ng P0.40 hanggang  P1.30.

Evaporated at condensed milk na tumaas mula P0.50 hanggang P1.20 depende sa product name.

Tumaas rin ang presyo ng suka, mantika, toyo, asukal, kape at iba pa.

Inamin ni Castelo na noong pang February 13 tumaas ang presyon ng ilang produkto pero kaagad nila ito naisapubliko.

Para sa kumpletong listahan ng 56 na mga produkto na tumaas ang presyo ay pwedeng bisitahin ng publiko ang website ng DTI na https://www.dti.gov.ph/.

TAGS: dti, DTI Consumer Protection Group, Inflation, price increase, usec. ruth castelo, dti, DTI Consumer Protection Group, Inflation, price increase, usec. ruth castelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.