Pagkamatay ng ilang mga aso at pusa sa Pangasinan iniimbestigahan
Inaalam na ng City Veterinary Office sa Dagupan City ang dahilan ng pagkamatay ng ilang mga aso at pusa sa nasabing lungsod.
Ito ay makaraang sabihin ng ilang pet owners na namatay ang kanilang mga alagang aso at pusa makaraang mabigyan ng anti-rabies vaccine bagay na kaagad namang nilinaw ng City Veterinary Office.
Sinabi ng mga nagrereklamo na umabot na sa daan-daang bilang ng mga aso at pusa ang bigla na lamang namatay makaraan silang bigyan ng bakuna.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Dr. Daniel Paolo Garcia, Assistant City Veterinary ng lungsod, na nagdesisyon silang itigil muna ang kanilang anti-rabies vaccination program para sa mga alagaing hayop.
Ikinatwiran naman ng opisyal na baka hindi lamang alam ng ilang mga pet owners na may sakit na ang kanilang mga alaga at lalong nakasama dito ang ibinigay nilang bakuna.
Desidido naman ang ilang pet owners na paimbestigahan ang pangyayari para hindi na maulit sa ilang lugar sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Garcia na noong January 31 pa ang huli nilang pagbibigay ng bakuna sa kanilang nasasakupang lugar kaya imposible na ang pagkamatay ng ilang mga aso at pusa ay may kaugnayan sa anti-rabies vaccine.
Nilinaw pa ng opisyal na hindi bakuna kundi antibiotic ang ibinigay nila sa ilang mga alagaing hayop dahil sa pagkakaroon ng sakit ng ilan sa mga ito.
Karaniwan umanong nagkakaroon ng canine distemper ang ilang mga aso tuwing malamig ang panahon kaya hindi sila pwedeng turukan ng bakuna.
Patuloy pa rin ang regular na pagmomonitor ng city vetereninary office sa ilang mga aso, pusa at maging mga livestock sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.