Zambales at ilang lalawigan sa Central Luzon nilindol
By Berna Guillermo February 23, 2019 - 02:29 PM
Tumama ang isang lindol na may lakas na magnitude 5.2 sa lalawigan ng Zambales kaninang 12:14 ng tanghali.
Ayon sa phivolcs, ang tectonic tremor ay tumama 23 kilometers Southwest sa bayan ng San Antonio.
Naramdaman din ang lindol sa Olongapo City na may lakas na intensity 3, sa Guagua, Pampanga ay intensity 2 at intensity 1 naman sa Malolos, Buulacan at Dagupan City sa Pangasinan.
Sinabi ng Philvocs na walang inaasahang aftershocks sa naganap na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.