Tinatayang nasa P8.1 Million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa hinihinalang miyembro ng Maute-ISIS group sa bayan ng Wao sa Lanao Del Sur.
Nakuha ng PDEA ang nasa P6.8 Million na halaga ng shabu kay Amrodin Alan Bantog na miyembro ng teroristang grupo.
Nabatid na ang Maute group ang nagbibigay ng proteksyon sa mga tulak ng droga sa nasabing lugar kapalit ng pera.
Kinumpirma naman ng mga lokal na opisyal doon na ang bahagi ng kita ni Bantog ay ibinibigay sa Maute terror group na pinamumunuan ngayon ni Owaida Marohombsar, na mas kilala bilang Abu Dar.
Samantala, nasa P1.3 Million na halaga ng shabu ang nasakote sa Sitio Sibigtul sa Zamboanga City.
Naaresto sa nasabing operasyon si Jimmy Sahibol, 23 anyos.