Operasyon ng BOC itutuloy sa loob ng gymnasium

By Berna Guillermo February 23, 2019 - 11:10 AM

BOC photo

Pansamantalang ililipat ang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang gymnasium sa South Harbor sa Maynila.

Kasunod ito ng malaking sunog sa gusali ng BOC Port of Manila Biyernes ng gabi.

Sinabi ni BOC Spokesperson Erastus Austria na layon nito na magtuloy-tuloy ang operasyon ng kanilang Formal Entry Division.

Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa Philippine Port Authority at Maritime Industry Authority para magamit ang kanilang pasilidad para sa operasyon ng Customs.

Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng POM Building bandang alas-9:00 pm na umabot sa ika-limang alarma bago ideklarang fire-under control dakong 4:00 ng umaga.

TAGS: bureao of fire protections, Bureau of Customs, BUsiness, fire, port of manila, bureao of fire protections, Bureau of Customs, BUsiness, fire, port of manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.