4 NPA members sumuko sa Bukidnon

Inquirer file photo

Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine Army sa Bukidnon.

Kinumpirma ni Philippine Army 403rd Brigade Commander Col. Edgardo de Leon ang pagsuko ng apat na sinamahan ng mga abogado mula sa Public Attorney’s Office.

Kinilala ang mga ito na sina Lorena Micabalo, 24, alyas Ka Jai-Jai; Gloria Jandaya, 63, alyas Ka Diding; Gleceria Balangiao, 34, alyas Ka Jao; at Jackielyn Ann Elaco, 34, alyas Ka Lala.

Ang mga surrenderee ay iniharap sa provincial prosecutor sa nasabing lalawigan.

Kamakailan ay ilang NPA members rin ang sumuko sa ilang kampo ng militar sa Mindanao.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng hanap-buhay at bahay ang mga rebeldeng magbabalik-loob sa pamahalaan.

Read more...