100 years of Philippine Independence banknotes hanggang Agosto na lang ang bisa

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroon na lamang hanggang August 1, 2019 para ipalit ang commemorative na 100 years of Philippine Independence banknotes.

Sa isang statement, sinabi ng BSP na maaaring palitan ng New Generation Currency (NGC) banknotes ang P100,000 at P2,000 Centennial Commemorative Notes sa anumang authorized agent banks at sa kanilang mga tanggapan.

Simula sa August 2 ay hindi na tatanggapin ang nasabing mga banknotes at ide-demonitized na rin ito simula sa nasabing petsa.

Tampok sa P100,000 commemorative banknote ang proclamation of Independence ni President Emilio Aguinaldo at ang “Sigaw ng Himagsikan.”

Nasa isang libong piraso lamang ito at pinaka-malaking legal tender na inisyu ng BSP.

Ang P2,000 naman ay nagpapakita ng oath-taking ni dating Pangulong Joseph Estrada at ang re-enactment ng Declaration of Independence ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Read more...