NU itinanghal na kampeon ng UAAP 81 juniors’ basketball tournament

By Rhommel Balasbas February 23, 2019 - 03:55 AM

Matapos ang tatlong taon ay muling naghari ang National University (NU) sa UAAP juniors’ basketball tournament.

Ito ay matapos magwagi ang Nazareth School ng NU kontra Ateneo sa iskor na 64-53 sa kanilang laban kahapon sa FilOil Flying V Center.

Taong 2016 pa nang huling tanghaling kampeon ang Bullpups sa torneo.

Bagaman naging gitgitan ang sagupaan ng NU at Ateneo sa iskor na 50-49 sa natitirang 6:41 ng laro ay nagawa pang umabante ng Bullpups.

Dahil sa tres ni Terrence Fortea sa natitirang 2:31 ay lumobo ang lamang ng koponan sa Ateneo sa iskor na 59-51.

Hindi na nakabangon pa ang Ateneo matapos magtamo ng injury ang kanilang manlalaro na si Forthsky Padrigao.

Nanguna para sa NU si Fortea na may 15 points na sinundan ni Carl Tamayo na may 13 points.

Ang Season MVP naman na si Kai Sotto ang nanguna para sa Ateneo sa kanyang impresibong 26 points at 25 rebounds.

TAGS: Ateneo, Bullpups, Forthsky Padrigao, kai sotto, National University, Terrence Fortea, UAAP juniors’ basketball tournament, Ateneo, Bullpups, Forthsky Padrigao, kai sotto, National University, Terrence Fortea, UAAP juniors’ basketball tournament

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.