Comelec: Campaign posters bawal sa LRT at iba pang transport systems

By Rhommel Balasbas February 23, 2019 - 03:08 AM

Bawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga pasilidad ng Light Rail Transit (LRT) ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Iginiit ito ng poll body matapos tanungin tungkol sa posters ni senatorial candidate Christoper Bong Go sa LRT.

Ayon kay Jimenez, bawal ang anumang campaign materials sa mga imprastrakturang pagmamay-ari ng gobyerno.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na anya ang nagsabi na bawal gamitin ang mga pagmamay-ari ng gobyerno sa election propaganda.

Tiniyak ni Jimenez na makikipag-ugnayan sila sa Department of Transportation tungkol sa isyu ng campaign posters ni Go.

Matatandaang noong bago magsimula ang campaign period, binawalan ni Duterte ang mga miyembro ng gabinete sa pag-endorso sa mga kandidato sa May 13 elections.

TAGS: bong go, campaign materials, comelec, election propaganda, LRT, bong go, campaign materials, comelec, election propaganda, LRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.