Labi ng mag-asawang Pinoy na nasunog sa Paris, inuwi sa Pilipinas
Parating na sa bansa ngayong Sabado ang mga labi ng mag-asawang Pilipino na kasama sa mga namatay sa sunog sa France.
Mula sa Paris, ibinayahe ang mga labi nina Francisco at Cresencia Abalos Biyernes ng gabi.
Nagkaroon muna ng misa sa St. Bernadette Chapel na dinaluhan ng mga kaanak, kaibigan, kababayan at mga taga Embahada ng Pilipinas sa Paris.
Pagdating sa bansa ay dadalhin ang mga labi sa bayan ng mag-asawa sa Mangaldan, Pangasinan.
Ang mag-asawang Abalos ay kasama sa 10 namatay sa sunog sa 17 Rue Erlanger sa 16th district noong February 6.
Nakaligtas naman sa sunog ang apat pang Pilipino na sina Norma Batara, Sherilyn Batag at mag-asawang Ferdinand at Mary Grace Alcozer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.