Dagdag SSS premium, posible dahil sa Expanded maternity leave law
Posibleng madagdagan ang babayarang Social Security System (SSS) premiums dahil sa bagong batas na expanded maternity leave.
Tinatayang tataas ng mahigit P1 bilyon ang maternity benefits na ibinibigay ng SSS dahil sa bagong batas.
Sa ngayon ay halos P6 bilyon ang maternity benefits na ginagastos ng SSS para sa 69 hanggang 78 araw na maternity leave.
Sa bagong batas, hanggang 105 araw ang paid maternity leave at may dagdag 15 araw para sa single mother.
Dahil dito ay posibleng P7.5 bilyon ang gastusin ng ahensya.
Dahil walang limitasyon sa bilang ng panganganak sa bagong batas, pwede itong magresulta sa dagdag na kontrubusyon ng mga SSS members
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.