Pero iginiit ni Education Secretary Leonor Briones na sa kabila ng panukala, pangunahing kunsiderasyon pa rin ang karapatan ng mga estudyante.
“As much as there is a growing need to reinvigorate the campaign for the importance of vaccination, the proposed policy must take into consideration the human rights of learners, especially their access to quality basic education. While DepEd is looking into different ways to regain the confidence of parents in immunization, the agency has made commitments with DOH in ensuring that the learners are protected,” pahayag ni Briones.
Naglatag ang DepEd ng ilang hakbang kapag ipinatupad ang polisiya na walang enrollment kung walang bakuna ang bata.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy na makikipag-ugnayan ang ahensya sa DOH sa monitoring ng mga kaso ng tigdas at ang pagtugon sa sakit.
Base sa huling datos ng DOH, nasa 11,459 ang kaso ng tigdas sa buong bansa hanggang February 20 at umabot nasa 189 ang namatay.