Duterte nais na tumulong si Misuari sa pagpapalaya ng mga bihag ng ASG

By Len Montaño February 23, 2019 - 12:45 AM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasabihan niya si Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari na tumulong sa pagpapalaya ng 3 dayuhan na bihag ng teroristang Abu Sayyaf Group.

“Well, that’s part of the mission… then I would appeal to Nur Misuari to stop it. And tell the Abu Sayyaf that, ‘Look we’re talking. Don’t make it hard for us to seek peace in our land,” pahayag ng Pangulo sa panayam sa media sa Malakanyang.

Una rito ay nagbanta ang ASG na papatayin ang isang Malaysian at dalawang Indonesian na hostage nila sa Mindanao kung wala silang matanggap na ransom para sa kanilang kalayaan.

Pero nanindigan ang gobyerno sa “no ransom policy” sa mga terorista.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kapag bumigay sa nais na ransom ng mga terorista at masasamang loob, magreresulta ito sa mas maraming pagdukot at magkakaroon sila ng pondo para bumili ng mas maraming armas.

Matatandaan na naging mahalaga ng papel ni Misuari sa paglaya ng 4 na kidnap victims ng Abu Sayyaf noong 2016.

Ang dinukot ay isang Norwegian at tatlong Indonesian na mga mangingisda.

TAGS: Abu Sayyaf, hostage, Kidnap, mnlf, no ransom policy, Nur Misuari, Rodrigo Duterte, Abu Sayyaf, hostage, Kidnap, mnlf, no ransom policy, Nur Misuari, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.