‘Ako ang unang sumakay sa MRT’- Roxas

 

Kinopya lamang umano ng ilang mga pulitiko ang pagsakay ni dating DILG Secretary Mar Roxas sa MRT.

Ito ang pahayag ni Roxas sa pagharap nito sa Meet the Inquirer Multimedia forum.

Ayon kay Roxas, hindi gimmick ang kanyang pagsakay sa MRT noong ito ay Kalihim pa lamang ng Department of Trade and Industry  noong taong 2000.

Paliwanag nito, sa Cubao, Quezon City siya nakatira at ang tanggapan naman ng DTI ay sa Buendia Ave. sa Makati kaya’t praktikal lamang na mag-commute na lamang siya.

Simula pa noon aniya, ay nagagawa na niyang makipag-talakayan sa mga ordinaryong Pilipino at makuha ang kanilang damdamin sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Matatandaang dati nang sumakay din ng MRT si Sen. Grace Poe na makakalaban ni Roxas sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.

Read more...