Catriona Gray kinumpirmang single siya; focus muna bilang Ms. Universe

By Len Montaño February 22, 2019 - 10:08 PM

Inamin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na single siya ngayon at ang naka-focus muna sa kanyang journey bilang beauty queen.

Sa isang panayam ay sinabi ni Catriona na wala siyang lovelife kaya naka-sentro ang kanyang atensyon sa pagiging kinatawan ng Pilipinas at buong mundo.

Sagot ito ng Filipina beauty queen sa tanong kung paano niya binabalanse ang kanyang buhay pag-ibig ngayong Miss Universe na siya.

Una nang naiulat ang pagkakaroon ng relasyon ni Catriona sa modelong si Clint Bondad na isa na napapanood na rin sa mga palabas sa GMA 7.

Sa kanilang mga social media accounts ay makikita ang mga larawan ng dalawa na magkasama.

Nasa bansa ngayon si Catriona para sa kanyang homecoming celebration.

Magkakaroon pa ng isang parada ang dalaga sa Sabado February 23.

TAGS: 'single', Catriona Gray, Clint Bondad, homecoming, journey, lovelife, Miss Universe 2018, 'single', Catriona Gray, Clint Bondad, homecoming, journey, lovelife, Miss Universe 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.