Pinay na nawala sa Indonesia noong Pasko, hindi pa rin natatagpuan

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa Bali, Indonesia sa Pinay na si Ella Paaño na nawala doon simula noong Dec. 25, 3018.

Sa pahayag ng The Department of Foreign Affairs (DFA) tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Jakarta sa mga otoridad ng Indonesia.

Sa kaniyang ulat, sinabi ni Ambassador to Indonesia Leehiong Wee partikular na kinakausap ng Philippine Embassy ang mga otoridad sa Bali na humahawak ng kaso.

Kamakailan, binisita umano ng mga pulis sa Bali ang mga lugar na pinuntahan ni Paaño at kinausap ang mga taong nakasalamuha nito habang siya ay naroroon.

Ayon sa opisyal, nangako ang Bali police authorities na magbibigay ng full report sa status ng kanilang nagpapatuloy na imbestigasyon.

Read more...