Dahil sa expanded maternity leave law, Pilipinas best country for women – Sen. Angara

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 08:20 PM

Pinapurihan ni Senator Sonny Angara ang pagsasabatas ng expanded maternity leave.

Aniya patunay itong ang Pilipinas ay maituturing na best country para sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan.

“We are proud to be one with many countries around the world in recognizing the importance of mothers and in upholding the rights of every woman,” ayon kay Angara, na co-author at co-sponsor ng naturang panukala sa Senado.

Sinabi ni Angara na sa pagpasa ng bagong batas, kinikilala ang papel ng mga kababaihan lalo na ang mga ina sa nation-building.

Ang naturang batas aniya ay pagkilala na rin at pasasalamat sa sakripisyo ng mga ina sa pag-aaruha sa kanilang anak.

Maituturing din aniyang ‘historical win’ ng mga kababaihan ang bagong batas.

Maliban sa pakinabang nito sa mga ina, ay mapakikinabangan din ito ng mga bata ayon kay Angara dahil mas sapat panahon ang mga nanay na biglang kalinga ang kanilang bagong silang na anak.

Sa mas mahabang maternity leave period, sinabi ni Angara na mas mahaba din ang panahon upang matiyak ng mga ina ang tamang nutrisyon sa kanilang anak.

“Here we have proof, through the actions of both houses of Congress, that our society greatly values every woman’s right to safeguard not just her health, but also the health of her children,” dagdag pa ni Angara.

Sa ilalim ng bagong batas na nilagadaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mayroon nang 105 days na paid leave ang mga nanay at may opsyon pang palawigin at magdagdag ng 30 pa na without pay na leave.

Ang mga solo mothers naman ay mayroon pang dagdag na 15 araw na leave.

TAGS: Expanded maternity leave law, Senate, Senator Sonny Angara, Expanded maternity leave law, Senate, Senator Sonny Angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.