Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalim sa reblocking ng DPWH

DPWH Photo

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road repairs at reblocking sa ilang kalsada sa National Capital Region (NCR)

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasagawa ang repairs at reblocking mula alas 11:00 ng gabi, February 22, hanggang alas 5:00 ng umaga ng February 26.

Narito ang mga maaapektuhang kalsada:

Sa Southbound:
– C-5 Road pagkatapos ng Lanuza Avenue bago ang Bagong Ilog flyover
– C-5 Road sa harap ng SM Aura
– EDSA Ermin Garcia hanggang Monte de Piedad (3rd lane from sidewalk)

Sa Northbound:
– Fairview Avenue Atherton hanggang Regalado Ave. North
– R. Magsaysay Blvd. (patungong Cubao) R. Magsaysay Bridge – Pureza St.

Dagdag pa ng MMDA, magsasagawa rin ang Maynila ng restoration at concreting works sa bahagi ng Commonwealth Avenue malapit sa Riverside overpass.

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Read more...