MILF chair Murad nanumpa na bilang interim BARMM chief minister
Nanumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte si Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Hajj Murad Ebrahim bilang interim Chief Minister ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pamumunuan ni Murad ang 80-member Bangsamoro Transition Authority (BTA), na mamamahala sa Bangsamoro region hanggang sa makapagdaos ng eleksyon para sa regular members ng Parliament nito sa 2022.
Nanumpa na rin ngayong araw kay Pangulong Duterte ang iba pang miyembro ng BTA.
Nilikha ang BARMM matapos maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa isinagawang dalawang round ng plebisito, ang bagong BARMM ay bubuuin ng mga lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi gayundin ng Marawi City, Lamitan City, Cotabato City at 63 barangay sa North Cotabato.
Ang mga halal na opisyal ng alisin nang Autonomous Region in Muslim Mindanao, ay magiging bahagi din ng BTA hanggang June 30, 2019 o hanggang sa matapos ang kanilang termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.