Enrollment sa school year 2019 – 2020 magiging mas maayos – DepEd

By Jan Escosio February 22, 2019 - 06:33 PM

Photo from DepEd MIMAROPA
Tiwala ang Department of Education (DepEd) na mas magiging madali at maayos ang isasasagawang enrollment para sa pagbubukas muli ng mga klase sa Hunyo dahil sa matagumpay ang isinagawang early registration.

Ayon kay Education Usec. Jesus Mateo layon ng early registration na mapaghandaan ng kagawaran ang pagbubukas ng klase.

Ngayon ang huling araw ng early registration para sa Grades 1, 7 at 11, na nagsimula noon Enero 26.

Unang inihayag ng DepEd na marami ang maagang nagpa-rehistro bunga ng pinaigting nilang information campaign.

Bunga rin ng DepEd Order No. 3 series 2018 ay mas naging maliwanag sa mga magulang at estudyante hinggil sa edad ng bata na maari nang maagang magpa-rehistro.

TAGS: deped, early registration, enrollment, information campaign, Radyo Inquirer, deped, early registration, enrollment, information campaign, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.