Nakuha ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang unang panalo sa Best-of-Three UAAP 78th finals matapos talunin ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa iskor na 75-64.
Muling nagharap ang UST at FEU sa Championship matapos ang UAAP Finals taong 1979 kung kailan tinalo ng Tamaraws ang Tigers na kilala noon bilang Glowing Goldies.
Nakuha ng crowd favorite na UST ang mga unang puntos pero nanaig ang mga tira ng FEU lalo na ang mga three-point shots, kaya nagtapos ang first quarter na lamang ang Tamaraws.
Sa second quarter ay lumaki pa ang lamang ng FEU na umabot ng double-digit.
Nagtapos ang halftime sa iskor na 47-34, lamang ang Tamaraws.
Nahabol ng UST ang lamang ng FEU at nakaungos pa ito ng one- point sa fourth quarter pero dahil sa double effort ng Tamaraws sa opensa at depensa ay muli silang umabante hanggang tuluyang talunin ang Tigers.
Una nang sinabi ni UST Coach Bong Dela Cruz na hindi sila dapat kampante dahil iba na anya ang Championship.
Umasa naman si FEU Coach Nash Racela na magawa nila ang kanilang target sa simula ng season at ito ay ang hindi lang sila maging runner-up gaya ng naitala nila sa nakaraang season 77.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.