Ayon kay Sr. Supt. Remus Medina, hepe ng Police Regional Office-7, Intelligence Division, maaring ang ginamit na ecstasy ni Abad noong pre-Sinulog concert ay si Rosales ang nag-suplay.
Iisang grupo lamang ani Medina ang supplier ng party drugs sa lugar.
Pero ani Medina, sa ngayon wala pa silang direktang ebidensya na mag-uugnay kay Rosales sa ecstasy na nakuha kay Abad.
Magugunitang nasawi si Abad noong Jan. 19 at kalaunan nakumpirma na ang pag-overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinasawi.
MOST READ
LATEST STORIES