10 hanggang 12 suspek sa sunog sa Bangladesh tinutugis ng pulisya

By Angellic Jordan February 22, 2019 - 04:45 PM

Reuters Photo

Pinaghahanap ng pulisya ang nasa sampu hanggang labing dalawang suspek sa sumiklab na sunog sa Dhaka, Bangladesh.

Ayon kay Dhaka Metropolitan Police deputy commissioner Ibrahim Khan, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para mahanap ang mga responsable sa sunog.

Naghain ng kaso ng pulisya laban sa mga suspek.

Sinabi ni Khan na hindi naman binanggit sa kaso ang mga pangalan na may kinalaman sa sunog.

Ilalabas din aniya ng pulisya ang mga datos oras na matapos ang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaang umabot na sa walumpu’t isa ang bilang ng mga nasawi sa sunog sa Bangladesh.

TAGS: Bangladesh, dhaka, fire incident, Bangladesh, dhaka, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.