Pagdinig sa kasong rebelyon ni Sen. Trillanes itutuloy na ng Makati court

By Angellic Jordan February 22, 2019 - 04:20 PM

Ipagpapatuloy na ang pagdinig sa inihaing kasong rebelyon laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa Makati City Regional Trial Court Branch 150.

Ayon sa korte, itinakda ang pagdinig sa March 20, 2019 at inaasahang ipiprisinta ng proseksuyon ang kanilang mga ebidensya.

Matatandaang na-dismiss ang kaso taong 2011 matapos bigyan ng amnestiya si Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Ngunit, binawi ang amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation 5-7-2 dahil kulang umano ang amnesty requirements ng senador kabilang ang pagsusumite ng application form at admission of guilt.

Noong September 25, 2018, inilabas ni Makati R-T-C Branch 150 Judge Elmo Alamdea na mayroong “factual and legal basis” ang inisyung Proclamation No. 5-7-2 ni Duterte.

TAGS: hearing, Makati Court, rebellion, Senator Antonio Trillanes IV, hearing, Makati Court, rebellion, Senator Antonio Trillanes IV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.