BreadTalk humingi ng paumanhin sa kumalat na video ng daga na nakahiga sa kanilang bread tray

Humingi ng paumanhin sa publiko ang kumpanyang BreadTalk Philippines matapos ang kumalat na video na kuha sa kanilang branch sa Pampanga.

Sa nasabing video na ibinahagi ng isang customer, makikita ang daga habang nakahiga sa ibabaw ng bread tray.

Mabilis na nag-viral ang nasabing video.

Sa pahayag, hindi na itinanggi ng BreadTalk ang insidente at nangakong mas paiigtingin pa ang kanilang pest control screening sa mga branch nila.

Matapos kumalat ang video, sinabi ng kumpanya na agad silang nagpadala ng professionals para magsagawa ng
clean up at masigurong maaalis ang lahat ng peste sa kanilang mga branch.

Nag-sterilize din ang kanilang mga tauhan sa Pampanga branch at iba pa nilang sangay.

Iginiit ng kumpanya na pangunahing concern nila ang food safety at nangakong hindi na mauulit ang insidente.

Read more...