Mga kandidatong nagbabayad ng campaign fee at extortion money sa CPP-NPA huwag iboto – DILG

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 03:29 PM

Hinimok ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang mga botante na huwag suportahan ang mga kandidato na nagbabayad ng campaign fee at extortion money sa CPP-NPA.

Ginawa ni Año ang panawagan matapos ilahad na sila ay may hawak na watchlist ng mahigit 300 na halal na mga opisyal na nagbibigay ng pera sa mga rebelde.

Ayon kay Año anumang pwesto na tinatakbuhan ng isang opisyal, kung siya ay nagbibigay ng pera sa CPP-NPA hindi siya karapat-dapat na mahalal.

“Maging sa lokal na pamahalaan man, sa senado, kongreso at maging mga partylist groups na makakaliwa (leftist groups). Sa ganitong paraan po ay nakatulong tayo sa pagsugpo sa komunismo/terorismo tungo sa totoong pangmatagalan kapayapaan sa bansa,” ani Año.

Kasabay nito, nanawagan si Año sa mga kandidato para sa 2019 midterm elections na na itigil ang pagbibigay ng pinansyal, materyal at political support sa CPP-NPA.

Aniya, ang pagsuporta sa mga komunistang rebelde sa kung anumang pamamaraan ay paglabag Executive Order 733 at sa RA 10168.

TAGS: campaign fee, CPP-NPA, DILG, extortion money, campaign fee, CPP-NPA, DILG, extortion money

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.