Malakanyang nanindigan sa no ransom policy kasunod ng banta ng ASG na pupugutan ang tatlong bihag

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 02:51 PM

Tiniyak ng Malakanyang na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para ligtas na mapalaya ang tatlong dayuhang bihay ng terorista Abu Sayyaf group.

Kasabay nito, nanindigan ang Palasyo na paiiralin ang polisiya hinggil sa hindi pagbabayad ng ransom.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung tutugon ang pamahalaan sa demand ng Abu Sayyaf at iba pang mga lawless groups ay lalo lamang silang gagawa ng mga pagdukot para makalikom ng pera at makabili ng mga armas.

Una rito, nagpalabas ng video ang Abu Sayyaf at nagbanta na pupugutan nila ng ulo ang isang Malaysian at dalawang Indonesian na kanilang bihag kapag hindi naibigay ang hinihingi nilang ransom money.

Bagaman nakatakip ang kanilang mukha sa video ay pinaniniwalaang ang mga dayuhan Indonesians sa video ay sina Heri Ardiansyah, 19 anyos at Hariadin, 45 anyos.

Ang dalawa ay dinukot kasama ang Malaysian hostage na si Jari Abdulla, 24 sa eastern Sabah malapit sa Tawi Tawi noong December 5.

Sinabi ni Panelo na patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa bandidong grupo.

TAGS: abu sayyaf group, no ransom policy, Salvador Panelo, abu sayyaf group, no ransom policy, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.