10-wheeler van na puno ng construction materials nasunog sa Leyte

Photo: Inquirer Visayas

Nasunog ang isang 10-wheeler van na puno ng construction materials sa Leyte.

Agad namang nakalabas ng truck ang driver nitong si Lord Warren Maglasang, 23 anyos na residente ng Davao City at ang apat niyang pahinante.

Ayon kay Senior Inspector Ronald Espina, Abuyog police chief, tinupok ng apoy ang truck na may plakang AFA-6993 sa Barangay Tadoc sa bayan ng Abuyog.

Patungo sana sa Tacloban City ang truck nang mapansin ng driver ang usok sa makina nito.

Umabot na 20-minuto ang sunog bago tuluyang maapula.

Read more...