Nasunog ang apat na electric power poles ng Cotelco sa Kidapawan City, Cotabato.
Dahil dito, limang oras na nagkaroon ng power interruption sa lugar.
Sinabi ng Cotelco General Manager na si Engineer Godofredo Homez na kontrolado na nila ang nasabing power outage.
Aniya, nahirapan ang kanilang mga linemen na puntahan ang mga poste na nasa bulubunduking lugar patungo sa Mount Apo.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sinadyang sunugin ang mga nasabing pasilidad at sa ngayon ay iniimbestigahan na ito ng mga kinauukulan.
Dagdag pa ni Homez, hirap silang tukuyin kung sino ang may sala sa naganap na sunog dahil wala naman daw silang natatanggap na pananakot mula sa mga armadong grupo.
Samantala, nakiusap naman ang Cotelco sa mga basher sa social media na sana ay unawain ang sitwasyon dahil hindi naman nila kontrolado ang nangyari.