DILG may listahan ng mga halal na opisyal na nagbayad ng extortion money at permit to campaign sa CPP-NPA

May hawak na listahan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalaman ng 349 na local at national government officials na umano ay nagbibigay ng suporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng pagbabayad ng extortion money at permit to campaign fees.

Ayon kay Secretary Eduardo Año ang listahan ay base sa intelligence reports na natanggap ng DILG kung saan mayroong 349 na local at national government officials kabilang ang mga congressmen, provincial governors hanggang sa barangay kagawad ang tinukoy na source ng financial aid ng komunistang rebelde.

Sinabi ni Año na sa naturang watchlist, kabilang ang 11 provincial governors; 5 vice governors; 10 provincial board members; 55 mayors; 21 vice mayors at 41 konsehal.

Kasama rin sa listahan ang 126 na barangay captains, 50 barangay kagawad, at walo na iba pang barangay officials.

Mayroon ding kasama sa listahan na 11 dating LGU officials, 10 incumbent congressmen, at 1 dating congressman.

Ayon kay Año, kung susumahin ang halaga na naibayad ng nasabing mga opisyal sa CPP-NPA ay kumita ang na ang rebeldeng grupo ng P195.5 million sa kanilang extortion activities sa buong bansa noong 2016 national elections at 2018 barangay elections.

Sa nasabing halaga, umabot sa tinatayang P300,000 hanggang P650,000 ang nakulekta ng mga rebelde mula sa mga gobernador at vice governors; P200,000 hanggang P500,000 mula sa mga alkalde at P50,000 hanggang P100,000 mula sa mga barangay official.

Read more...