Twitter nakapagtala ng 5.3B K-pop tweets noong nakaraang taon
Umabot sa 5.3 billion na tweets na may kaugnayan sa K-pop ang naitala ng Twitter para sa taong 2018.
Sa datos na inilabas ng Twitter, ang Pilipinas ay kabilang sa top 20 na mga bansa sa mundo na may pinakamaraming K-pop related tweets.
Kabilang sa iba pang mga bansa na nag-tweet nang may kaugnayan sa K-pop ay ang US. Canada, Argentina, Brazil, Chile, Mexico, Peru, France, Turkey, the United Kingdom, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand at Vietnam.
Ang idinaos na tatlong araw na 2018 Mnet Asia Music Awards ay nakapag-ambag ng malaking datos sa overall number ng K-pop tweets.
Noong panahon kasi na idinaraos ang Music Awards umabot sa 56 million ang tweet na may kaugnayan sa K-pop.
Samantala, itinanghal namang most tweeted account sa buong mundo ang Twitter ng BTS.
Habang ang most liked tweet para sa taong 2018 ay mula rin saBTS Twitter nang ang kanilang miyembro na si J-hope ay nagsagawa ng #InMyFeelingsChallenge.
Nakakuha ito ng 1.8 million na likes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.