Hinihinalang leader ng Negros Occidental drug group, patay sa pamamaril

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern February 22, 2019 - 10:46 AM

Nasawi sa pamamaril ang isang hinihinalang lider ng drug group sa Negros Occidental.

Si Ben Manguntawar ang leader umano ng Manguntawar Drug Group na nagsasagawa ng operasyon sa hilagang bahagi ng Negros Occidental.

Ang biktima ay pinagbabaril ng dalawang lalaking nakamotorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon, nakatayo lamang si Manguntawar sa labas ng kanyang bahay sa Barangay 5, San Carlos nang siya ay tambangan.

Sinabi ni Chief Supt. John Bulalacao ng Western Visayas police, ang biktima ay dawit sa distribusyon ng ilegal na droga sa San Carlos City at mga kalapit bayan sa Negros Occidental.

Dagdag pa ni Bulalacao, si Manguntawar ay nasa level 3 High Value Target sa listahan ng mga hinihinalang drug traffickers.

TAGS: ambush, Negros Occidental, Radyo Inquirer, ambush, Negros Occidental, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.