WATCH: Expanded Maternity Leave Law hindi dapat magresulta sa diskriminasyon sa mga babaeng manggagawa
Hindi dapat na mabahala ang mga kababaihan sa mga pangambang magresulta sa diskriminasyon ang naipasang Expanded Maternity Leave Law.
Ito ang inihayag ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas dahil sa mga kumakalat na pangamba na hindi na tatanggapin sa trabaho ang mga babaeng aplikante dahil sa haba ng kailang leave kapag manganganak.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Brosas na kasama din sa probisyon ng naipasang batas na hindi dapat magkaroon ng disriminasyon sa mga babaeng empleyado at aplikante.
Dagdag pa ni Brosas, maliit na porsyento lamang naman ng kabuuang bilang ng mga manggagawa sa buong bansa ang mga babaeng nagbubuntis.
Ibig sabihin, hindi maaapektuhan ang operasyon ng isang kumpanya kung mayroon silang empleyadong manganganak at maghahain ng maternity leave.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.