LOOK: Reelectionist mayor itinampok sa exams; Comelec nais matukoy kung sa anong paaralan ito nangyari

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 09:54 AM

Ibinahagi sa social media ang larawan ng bahagi ng pagsusulit sa isang paaralan kung saan itinampok ang isang reelectionist mayor.

Sa tweet ng @MyRizalPH, tinawag nito atensyon ng Comelec at ibinahagi ang kopya ng pagsusulit.

Sa nasabing exams, kabilang sa tanong ang “Sino ang masipag at nagbibigay serbisyong totoo, ang namumuno sa Lungsod ng Pasig?

At kabilang sa pagpipiliang sagot ay ang mga pangalang, Hon. Rocky Eusebio, Hon Robert “Bobby” Eusebio”, at Hon. Rob Eusebio.

Makikita sa larawan na letrang B ang isinagot ng mag-aaral sa tanong at ito ay si Hon. Robert “Bobby” Eusebio na kasalukuyang mayor ng Pasig at tumatakbong muli para sa May 2019 elections.

Ang nasabing kopya ng exams ay orihinal na ibinahagi ng “Pasig para sa Pagbabago” FB page na ipinadala umano ng ina ng estudyante.

Sa caption, sinabing nag-alala ang ina ng estudyante dahil tila mind conditioning ang naturang tanong.

Sa kaniyang tweet, nais malaman ni Comelec spokersperson James Jimenez kung saang paaralang ginamit ang test questionnaire.

Hinihingi din ni Jimenez at kumpletong detalye at impormasyon sa insidente.

TAGS: 2019 midterm elections, elections, Pasig City, 2019 midterm elections, elections, Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.