6 patay sa magkakahiwalay na insidente sa Cebu City at Talisay City

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 09:38 AM

CDN Photo

Naging madugo ang nakaliipas na magdamag sa Cebu City at Talisay City matapos makapagtala ng anim na nasawi sa tatlong magkakahiwalay na insidente

Nauwi sa engkwentro ang isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Zapatera, Cebu City target ang hinihilang supplier ng party drug na ecstasy sa lunsod.

Ang suspek na kinilalang si Kenneth Rosales, 31 anyos at residente Barangay Mabolo ay nasawi matapos makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Regional Special Operations Group sa Central Visayas (RSOG-7) at Parian Police Precinct.

Sa halos parehong oras, natagpuan naman ang walang buhay na katawan ng dalawang lalaki sa Sitio Babao, Barangay Maghaway, Talisay City.

Ayon kay Superintendent Marlu Conag, Talisay City Police Office chief, nakita ang dalawang bangkay sa gilid ng kalsada at kapwa mayroong tama ng bala ng baril.

Sa Cebu City pa rin, tatlong suspek naman ang nasawi sa Barangay Lusaran na bulubunduking bahagi ng lungsod.

Ang tatlo ay nasawi matapos manlaban sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya.

TAGS: Buy Bust operations, Cebu City, Talisay City, War on drugs, Buy Bust operations, Cebu City, Talisay City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.