Peter Tork ng ‘Monkees’, pumanaw na sa edad na 77

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 22, 2019 - 08:52 AM

Pumanaw na sa edad na 77 ang bahista at singer ng bandang ‘Monkees’ na si Peter Tork.

Kinumpirma ng kapatid ng singer na si Anne Thorkelson ang pagkamatay ni Tork dahil sa sakit na cancer.

Nakiramay naman ang mga kaibigan at mga kapamilya ng singer sa Facebook page nito.

Ang bandang The Monkees ay isang 1960’s TV band na binubuo nila Davy Jones, Nesmith, Peter Tork at Micky Dolenz.

Ang grupo ay sikat sa kanilang No.1 single na “Daydream Believer”, na kumita ng milyong records.

Nag-disband naman ang grupo ng Monkees noong 1970.

TAGS: cancer, Daydream Believer, Monkees, Peter Tork, cancer, Daydream Believer, Monkees, Peter Tork

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.