11.5 degrees Celsius naitalang minimum na temperatura sa Baguio City ngayong araw, Feb. 22
Ilang araw bago ang transition period para sa pagpasok ng panahon ng tag-init, malamig na temperatura pa rin ang nararanasan sa Baguio City.
Ayon sa Civil Defense Cordillera, 11.5 degrees Celsius ang minimum na temperatura na naitala sa lungsod ngayong araw ng Biyernes (Feb. 22).
Ito ay naitala alas 5:00 ng umaga kanina.
Mas malamig ito kumpara sa 12.2 degrees Celsius na naitala kahapon araw ng Huwebes, at 12.5 degrees Celsius noong Miyerkules.
Magugunitang noong Jan. 30 ay bumagsak sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City na pinakamababa ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.