SUV inararo ang tindahan at bodega sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 08:09 AM

Inquirer file photo

Isang SUV ang umararo sa isang tindahan at bodega sa Barangay Manicahan sa Zamboanga City.

Maswerteng hindi nasugatan ang driver ng SUV na si Adrian Noquera, 21-anyos, at isang graduating college student.

Kwento ni Noquera, galing siya sa kaniyang kamag-anak sa Barangay Bolong at pauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Lumbangan nang maganap ang aksidente.

Aniya, dumikit ang preno ng sasakyan at tumigas ang manibela nito kaya nawalan siya ng kontrol sa SUV dahilan para mabangga ito.

Wala namamng tao sa tindahan at bodega kaya wala ring nasaktan sa pag-araro dito ng SUV gayunman, nasawi ang alagang aso ng may-ari ng tindahan.

Nawasak din ang mga paninda na sa pagtaya ay aabot sa P20,000 ang halaga.

TAGS: accident, suv, Zamboanga City, accident, suv, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.