Ikinasa ang operasyon, Biyernes (Feb. 22) ng madaling araw kung saan target ang isang lalaki na nakatira sa Greenwoods Executive Village.
Ayon kay Chief Insp. Allan Miparano ng Eastern Police District (EPD), ang nasabing suspek ay itinuro ng isang estudyante na kaniyang pinagbilhan ng droga.
Maliban sa suspek na siyang nagbebenta ng marijuana, naaresto din ang kaniyang nagsisilbing runner.
Nakuha sa kanila ang 12 tea bag na may lamang marijuana at nagkakahalaga ng P20,000.
Aminado naman ang suspek na ang ibinebenta niyang marijuana ay mula Mountain Province.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.