Bigtime oil price hike nakaamba sa susunod na linggo; presyo ng LPG tataas din
Nagbabadyang tumaas muli ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo ay mahigit piso na ang itinaas ng presyo ng imported na petrolyo.
Sa pagtaya ng DOE, sa presyo ng diesel, nasa P1.39 per liter na ang itinaas, P1.36 naman sa kada litro ng gasolina at P1.32 kada litro sa presyo ng kerosene.
Malalaman ang halaga ng ipatutupad na oil price hike ng mga kumpanya ng langis depende sa naging resulta ng trading pa kahapon at magiging resulta ngayong araw.
Samantala, namumuro ding magtaas ang presyo ng LPG sa pagpasok ng buwan ng Marso kung saan aabot sa P1 hanggang P2 kada kilo ang itataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.