Bagyong may international name na Wutip lumakas pa at isa nang typhoon

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 06:25 AM

Lalo pang lumakas ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa na may international name na Wutip.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 2,400 kilometers East ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Ayon kay Pagasa Weather Specialist Loriedin dela Cruz, malayo pa sa kalupaan ng bansa ang bagyo at maliit din ang tsansang pumasok ito sa bansa.

Gayunman, patuloy itong babantayan ng PAGASA dahil sa posibilidad na mabago pa ang direksyon nito.

Samantala sa pagtaya ng panahon ngayong araw, apektado pa rin ng northeasterly wind surface wind flow ang Luzon at Visayas.

Dahil dito ang Bicol Region, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Aurora at QUezon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan.

Ang Metro Manila naman, nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin.

Habang sa buong Mindanao ay magiging maaliwalas ang panahon.

TAGS: Bagyong Wutip, East ng Mindanao, Pagasa, Pagasa Weather Specialist Loriedin dela Cruz, weather, Bagyong Wutip, East ng Mindanao, Pagasa, Pagasa Weather Specialist Loriedin dela Cruz, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.